Baguhan Question: Hinuhugasan ba ung chicken, beef, pork, and seafood before iluto? + puwede ba ask sa grocery na good for 1 lang ung meat na kailangan? Pano po ba un.
Bago lang po ako sa pag luto. The idea of going to the grocery, kinakabahan ako kasi wala akong kaalam alam. Nag research ako at mixed ang mga sinasabi.
Ideally, sa grocery lang po ako bibili ng mga kailangan. Hindi ko alam pano mag ask kung ano klase na meat, lalo na na good for 1 lang na meat.
Tapos, nililinis po ba ung mga un? Paano po ba?
Sorry sa mga tanong.
First step ko po ito sa pagiging independent.
Salamat po.